Bukol sa obaryo na kasing laki ng basketball? Ito ang sanhi ng hindi normal na buwanang dalaw

 


Isang babae na nagngangalang Michaella ang nagbahagi ng kanyang matinding pinagdaanan bunsod ng isang sakit na hindi nya inaasahan  na mangyayari sakanya. Sa isang post pinaalalahanan niya ang mga kababaihan lalo na umano ang mga babaeng hindi regular ang buwanang dalaw at ang mga obese na pag may naramdaman silang kakaiba ay wag ng mag atubiling magpatingin sa doktor.

Sa pamamagitan ng mga larawan pinakita nya ang lahat ng kanyang dinanas habang tinutukoy at binibigyang lunas ang kanyang sakit.





May isang gabi umano na biglang sumakit ang tagiliran nya papunta sa balakang hanggang puson ngunit di umano nya ito pinansin dahil akala nya ay magkakaroon lamang siya ng buwanang dalaw.


Ngunit pag gising nya nung umaga ay hindi na nya matiis ang sakit kung kaya't isinugod na sya sa ospital. Ang unang nakita lang umano ng doktor na tumingin sa kanya ay UTI lang. Nung una ay bumuti ang pakiradam nya sa ilang beses na pag inom ng gamot ngunit napansin niya umano ang bigla nyang pagtaba.



Marami na umano nagtatanong kung buntis ba sya ngunit hindi naman. Napansin din nyang tatlong beses syang dinadatnan sa isang buwan at umaabot ng 7 araw ang kanyang regla.





Aniya pag sumasakit ang kanyang puson ay parang naglalabor na umano sya kaya sa oras na maramdaman nya ito ay di na nya mapigilan ang pag iyak. Akala daw nila ay UTI at  apendicitis lamang ito.



Ngunit nung nagpa-ultrasound na daw siya ay nakita na mayroon na syang cyst sa kanyang ovary (ovarian cyst). Aniya sing laki na umano ng bola ng basketball ang bukol na nakita. 


Agad namang ini-schedule ang kanyang operasyon upang matanggal ang bukol sa kanyang obaryo.


Naging matagumpay umano ang kanyang operasyon.



Tila ceasarian section ang ginawang operasyon sa kaniya upang matanggal ang malaking bukol.




Pinakita rin niya ang nakuhang bukol sa kanyang obaryo na halos sakupin na ang buong palanggana na pinaglalgyan nito.



Binahagi rin ni Michaella na buti na lamang at tubig lang  ang naging laman ng bukol na ito at hindi mga laman kung hindi ay magiging cancerous umano ang at magiging mahirap ang kanyang pag dadaanan.




Matapos ang ilang araw ay nakalabas narin sya at kasalukuyang nagpapagaling.





Sa huli ay nagpasalamt si Michaella sa ligtas na operasyon at sa pagbalik niya sa dati nyang timbang. Nagpsalamat din sya sa mga nag alaga sa kanya sa kabila ng kanyang pinagdaanan.


Maraming netizens naman ang nag alala sa kanilang mga kaibigan at pinaalalahanan ang mg ito. Narito ang ilan sa mga komento.











Narito ang kanyang buong post.





Anong masasabi nyo sa istoryang ito? maaring isulat sa baba ang iyong komento.