Banat ni Trillanes, Bumoladas kay Pres. Duterte: "Si Calida, Kailan Tatanggalin?"

Matapos ipag-utos ni Pangulong Duterte ang pagpapalit kay dating Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) interim chief Celestina Ma. Jude Dela Serna dahil sa isyu ng anumalya, may panibagong buwelta naman si Senator Antonio Trillanes IV kay Pangulong Duterte, ayon sa ulat ng GMA News.

"Si Calida, kailan?"ani Trillanes.

"Kapag hindi dikit sa kanya, tanggal agad. Si Calida na mas malaki ang halaga ng corruption, ayaw niya tanggalin kasi maraming alam na sikreto," dagdag pa umano ni Trillanes.
Advertisement
Matatandaang nauna nang dinepensahan ni Pangulong Duterte si Solicitor General Jose Calida laban sa mga nananawagan na dapat na umano itong magbitiw sa puwesto, at dapat din daw itong kasuhan ng Pangulo. Ani Duterte, hindi niya raw kailangang sibakin si Calida dahil bago pa man daw ito maging SolGen, negosyo na ng pamilya ni Calida ang Vigilant Investigative and Security Agency Inc. (VISAI). Ito ang sinasabing dahilan ng mga nananawagan ng pagbibitiw ni Calida dahil anila, mayroong "conflict of interest" nang tanggapin ng nasabing ahensya ang P150 milyong halaga ng kontrata sa National Parks Development Committee, National Anti-Poverty Commission, Department of Justice, Philippine Amusement and Gaming Corporation, at National Economic and Development Authority sa pagitan ng 2015 at 2018.

"Yung ke Calida naman, bakit ko siya i-fire, out na long before he became a SolGen, 'yun ang negosyo niya, 'yun ang negosyo ng tatay niya. Actually inherited ni Calida 'yan. Basta may bidding lahat, anything in Government basta may bidding ka, walang problema, okay 'yan. Kung siya ang nanalo, eh di siya. Sabihin, putulin mo hanapbuhay ng tao, why? Are you sure you will be there for all times?" saad ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa Filipino community sa South Korea.

Nauna na ring sinagot ni Calida ang mga pambabatikos laban sa kaniya at sinabing wala siyang balak magbitiw dahil wala umano siyang ginagawang labag sa batas.

Ano'ng opinyon ninyo sa pahayag ni Senator Trillanes?

Sponsor
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

[SOURCE]-GMA NEWS


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of FRESHNEWSTODAY. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.


Loading...

No comments

Powered by Blogger.