Mga Mangongotong, Nakatikim sa Brgy. Captain na Mala-Duterte ang Bagsik! Kilalanin Siya!

Hindi na nakaporma ang mga manggagantso nang sugurin sila ni Matictic Barangay Captain Abner Palad ng Norzagaray, Bulacan.

Makikita sa video ang pagsugod ng kapitan sa isang lalaking humaharang sa pam-publikong kalsada para maningil sa mga motorista at mga turista. 

Tinanggal ng kapitan ang tali na nakaharang, pinagbabaklas ang mga tarpaulin ng mga manloloko at pinadaan ang mga tao sa kalsada. 

Ayon sa Kapitan, ipinasemento nila ang kalsada para magamit ng publiko at iginiit na bawal ang paniningil sa nasabing daan. 

Hindi rin daw siya natatakot na mawalan ng boto para labanan ang mga pasaway.

Basahin ang naging tugon ng mga kababayan natin sa naging aksyon ni Barangay Captain Palad laban sa mga manloloko.


Advertisement
"Para sa kabatiran ng lahat ang daan kalsada papunta bakas ay mahigpit ko pinag babawal ang mga naniningil o na ngongotong sapagkat ang 10 kilometro na kalsada nayan ay pinasementohan ng brgy matictic sa pangunguna ng inyong linkod bilang kapitan kaya salahat ng mga talipandas na nangongotong sa mga kalsada nayan.

Wag nyo na antayin ako pa ang humuli sa inyo at may kalalagyan kayo sakin wag nyo sabihin malapit na eleksyon diko kailangan ang boto nyo kung ang magandang imahe ng brgy matictic naman ang sisirain nyo(ang tao marunong lang mahiya ehh tao na ) salamat po!,

" sabi ni Barangay Captain Palad sa kanyang social media account.

Sponsor
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

[SOURCE]- abner palad/hilario caperlac


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of FRESHNEWSTODAY. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.


Loading...

No comments

Powered by Blogger.