PNP Chief Dela Rosa, magreretiro na



Dahil sa nakatakdang pagreretiro ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald 'Bato' Dela Rosa sa January 2018, nagsimula na itong magpaalam sa kanyang mga kapwa pulis.
Sa isang talumpati sa inagurasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), nagsimulang magpaalam ang magiting na hepe ng pambansang pulisya.

Sinabi ni Dela Rosa na maaaring wala na siyang oras para makausap pa ang mga tauhan dahil magiging abala ang tanggapan sa paparating na Christmas Season at pagkatapos nito ay diretso na siyang bababa sa pwesto.

Samantala, pinuri naman niya ang naging performance ng grupo.



Anya, simula nang maupo siya bilang hepe ng pambansang pulisya noong Hulyo ay wala siyang narinig na isyu o krimen na kinasangkutan ng mga miyembro ng CIDG.

Sa Enero sa susunod na taon ay maaabot na ni Dela Rosa ang mandatory retirement age na 56.


***

Source:  radyo.inquirer.net 
 

No comments

Powered by Blogger.