Sen. Trillanes, parang asong ulol - Tony Katigbak



Ayon kay Philstar Business Section Editor Tony Katigbak, hindi nito maintindihan si Senator Antonio Trillanes IV kung bakit palaging laman ito sa telebisyon at pahayagan.
"Hindi ko maintindihan kung bakit si Sen. Antonio Trillanes IV ay laging laman ng telebisyon at mga paha­yagan." Sabi ni Katigbak

Sinabi ni Katigbak na habang nagtatrabaho ang ibang senador sa Senado, walang tigil naman sa pagtahol at pagkontra ni Trillanes sa gobyerno at sa mga kasahaman nito sa Senado.

"Isa lang siya sa 24 Senators, habang ang kanyang mga kasamahan sa Senado ay ginagawa ang mga  tungku-ling nakaatang sa kanila eto siya at walang tigil sa pagtahol o pagkontra sa gobyerno at mga kasamahan sa Senado." sabi ni Katigbak.




Palaisipan rin kay Katigbak kung nagtatrabaho pa ba ang senador na ito at iginiit nito na tunay ngang rebelbe ang asal ni Trillanes.

Sinabi nito na malakas ang loob ni Trillanes na labagan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi rin nito na wala siyang pakialam kung may pera nga ang Pangulo at patanong nitong sinabi kung ang senador ba ay walang itinatagong yaman.

Malinaw na sinabi rin nito sakanyang sulat na mahirap magmalinis ang taong hindi naman talaga malinis.



"Tunay ngang rebelde ang asal ni Trillanes. Ang lakas ng loob na kalabanin si Pres. Digong Duterte. Ano bang pakialam niya kung may pera nga ang Duterte family? Bakit Senator Trillanes, ikaw ba ay walang itinatagong yaman? Mahirap magmalinis ang taong hindi naman malinis." Ayon kay Katigbak

Iginiit rin nito na hindi bagay kay Trillanes na amging mambabatas dahil wala itong alam gawin kundi kontrahin ang mga kasamahang senador sa halip sana ay magpasa nalang ito ng batas kaysa sumatsat ito ng sumatsat.

"Hindi bagay kay Trillanes ang maging mambabatas wala nang ginawa kundi kontrahin ang kanyang mga kasamahan, siyempre si Senator Dick dumadaan sa tamang proseso, abogado ‘yan alam niya ang batas." sabi ni Katigbak

"Senator Trillanes, magpasa ka na lang ng batas kaysa sumatsat nang sumatsat." dagdag ni Katigbak



***


Source:  Philstar

No comments

Powered by Blogger.