John Lloyd, ipapa-rehab ng ABS-CBN



Ayon sa balita ng Abante Tonite, malaki ang tyansang ipa-rehab ng ABS-CBN ang batikang actor na si John Lloyd Cruz dahil sa pagiging alcoholic nito.
Ayon sa TV network, magmula nang ma-involved ang actor sa aktres na si Ellen Adarna ay malaki ang ipinagbago nito na malayo sa pagkakakilala sakanya ng mga kaibigan.

Kamakailan lamang ay kumalat sa social media partikular sa Facebook ang litrato at video ng actor na lasing na lasing kasama ang aktres na si Adarna.

Ayon na naman sa isang aktor na nakausap ng isa sa reporter ng Abante Tonite, ikwenento nito na iba na ang kilos ni John Lloyd kapag nalalasing ito kumpara noong dati.



Dahil sa isyung kinakaharap ng actor, pinag-iisipan umano ng ABS-CBN na iparehab ito dahil apektado narin ang kanyang pagtatrabaho sa naturang istasyon.

Ayon sa ulat, sa hindi malamang kadahilanan ay nagbakasyon muna daw si John Lloyd sa sitcom nito sa Home Sweetie Home.

Hindi pa naman pianguusapan kung irerenew pa ang kontrata ng actor dahil hanggang March 2018 pa ang napirmahang kontrata nito.




***


Source:  Abante Tonite

No comments

Powered by Blogger.